๐—ฆ๐—›๐—™๐—–, ๐——๐—›๐—ฆ๐—จ๐——, ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐Ÿณ๐Ÿฌ ๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ผ๐—ผ๐—ฟ

BACOOR, Cavite โ€” Hindi napigil ng malakas na ulan ang katuparan ng pangarap ng 74 pamilyang benepisyaryo sa Bacoor City matapos igawad ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kanilang mga titulo ng lupa ngayong Setyembre 10 sa Salinas I, Bacoor, Cavite.

Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, SHFC President and CEO Federico Laxa, Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, at Bacoor City Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, bilang kinatawan ni Bacoor Mayor Strike Revilla, ang pamamahagi ng 74 Transfer Certificates of Title (TCTs) sa mga benepisyaryo ng Bayanihan HOA of Salinas Bacoor, Inc. at Salinas HOA I Phase II.

Ang mga bagong titulado ay benepisyaryo ng Community Mortgage Program (CMP), isa sa mga pangunahing inisyatiba ng SHFC sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni President Laxa na hindi hadlang ang ulan sa pagtupad ng pangako ng pamahalaan na mabigyan ng seguridad sa paninirahan ang mga pamilyang Pilipino. Aniya: “Kahit umuulan ngayon ay matatanggap ninyo ang katibayan ng pagmamay-ari ng lupang kinatatayuan ng inyong mga tahanan.”

Nagpaabot din ng suporta sina Mercado-Revilla at Bautista-Mendiola sa mga programa at inisyatiba sa pabahay ng SHFC at DHSUD, na naglalayong mabigyan ang mas maraming pamilyang ng ligtas, disenteng, at abot-kayang tahanan.

Lubos naman ang pasasalamat nina Ruelito Garcia, presidente ng Bayanihan HOA, at Elvira Leysa, assistant secretary ng Salinas HOA I Phase II, sa pagkakaloob ng mga titulo na nagbibigay ng higit na katiyakan sa kanilang paninirahan.

Ibinahagi ni Garcia na matagal nilang hinintay ang araw na maging ganap na sa kanila ang lupang kanilang tinitirhan. โ€œIto na po ang pinakahihintay natin sa lahatโ€”โ€˜yong pinaghirapan natin nang halos 25 taon at dumaan tayo sa ibaโ€™t ibang pagsubok,โ€ ani Garcia.

Nakiisa rin sa seremonya ang ilang kinatawan mula sa DHSUD, kabilang sina Senior Undersecretary Eduardo Robles Jr., Director Paul Ray Hong, at Director Mario Mallari.

Dumalo naman mula sa hanay ng SHFC sina Resettlement Services Group Vice President Bob Flores, Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr., South Luzon Group Vice President Jimmy Manes, at Accounts Management Cluster Luzon 1 Manager Dulce Abusman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *