Bagong taon, bagong parangal! Pagbati sa Lungsod ng Bacoor sa pagkakamit ng pang-apat na puwesto sa katatapos lamang na National Validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Fisheries Compliance Audit.
Ang pambansang pagkilalang ito ay patunay ng matagumpay at sustenableng mga gawain, gayundin ng hindi matatawarang paninindigan ng lungsod ng Bacoor sa pagpapalakas ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program, bilang pagtugon na din sa Philippine Fisheries Code ng bansa.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang departamento ng City Government of Bacoor, sa pangunguna ng Punong Lungsod ng Bacoor, Hon. Strike B. Revilla, katuwang ang buong Sangguniang Panlungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Hon. Rowena Bautista-Mendiola, at ang ating kinatawan, Hon. Lani M. Revilla.
#AsWeStrikeAsOne #DahilSaBacoorAtHomeKaDito #StrikeSaSerbisyo














Leave a Reply