Patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at pribadong sektor upang matulungan ang ating mga MSMEs na maabot ang kanilang pangarap.
Sa programang Grab Asenso: Digital Diskarte, libo-libong maliliit na negosyo ang natutulungan sa pamamagitan ng AI tools, digital payment solutions, at mobile-first marketing knowhow.
Sa naturang kaganapan, si Konsehal Horatio M. Brilliantes Jr. ang naging panauhing tagapagsalita bilang kinatawan ni Mayor Strike B. Revilla. Ang mensahe: kapag nagkakaisa ang pamahalaan at pribadong sektor, mas mabilis ang pag-unlad ng ating mga MSMEs at mas malapit ang kanilang pangarap sa katuparan.
#BacoorMSME #StrikeSaSerbisyo #GrabAsenso #DigitalDiskarte #Str1keAsOne #SaBacoorAtHomeKaDito














Leave a Reply