PhilHealth Press Conference sa Cavite

Isinagawa ng PhilHealth Regional Office IV-A ang Press Conference kasama ang ilang local media ng Cavite noong Setyembre 23, 2026, sa Function Hall, 4th Floor ng New Imus City Hall, Imus Government Center, Imus City, Cavite.

Tampok sa talakayan ang mga mahahalagang update tungkol sa PhilHealth YAKAP at PhilHealth GAMOT, kabilang ang mga benepisyo at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga miyembro para sa mas abot-kaya at mas maagap na pangangalagang pangkalusugan.

Layunin ng pagtitipon na maihatid sa mga lokal na mamamahayag ang napapanahong impormasyon upang mas maipaalam sa publiko ang mga serbisyong hatid ng PhilHealth at kung paano ito makatutulong sa bawat pamilyang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *